Friday, May 10, 2013

Inlove ka ba?

Malaki ang responsibilidad na nakapataong sa word na “in-love”, minsan kahit sabihin natin na may boyfriend o girlfriend tayo, di pa din yun batayan na inlove ka sa buhay mo o sabihin na nating sa partner mo ngayon. Yung iba nga kahit hindi pa naman talaga nila mahal na mahal ang partner nila, eh in a relationship na ang kanilang status.

May mga pagkakataon kasi, karamihan ang mga babae ang matagal ma-inlove. Ang rason kasi kung bakit ganun ay dahil in between or towards the relationship nagpo-prosper at nagbo-blossom ang love nila sa partner nila. Marami kasing takot na nararamdaman ang babae sa umpisa lalo kung second or third or more na relationship na niya ito. Maaaring sabihin na gustong-gusto mo na siya kaya mo siya sinagot pero hindi mo pa siya mahal na mahal (kokontrahin mo ito at sasabihin na mahal mo siyang talaga, mari-realize mo yan pagdating ng panahon na maaaring mahal mo lang pero hindi mahal na mahal), kahit gaano pa siya katagal nanligaw. Hindi mo pa din masasabing mahal na mahal at mahal mo na siya ng totoo.

Girl’s Perspective

Yung may mga first boyfriend kasi or first time to be in a relationship, more of excitement ang nararamdaman at blinded na inlove sila dahil nga first time yung feeling kaya ang akala nila eh inlove na inlove sila, truth is, Excited lang sila sa fact na may boyfriend sila. Madami kasing nakaka excite na happenings, dati rati wala kang constant na ka-text, ka-phonepal, ka-ym, ka-skype, ka-bbm or ka-viber, ngayon meron na, mayroon ka ng tinatanong kung “kamusta ang araw mo?” “Kumain ka na ba?” “Good Morning!” “Good Night!” “Ingat!” Regardless kung long distance relationship man ito o hindi, basta meron kang constant person na kausap. Alam mong meron.

Masarap kasi yung feeling na may ibang taong nag-aalala sayo maliban sa tatay, nanay, lolo, lola, ate, kuya, yaya at mga kaibigan mo. Hindi mo ma-describe yung kakaibang feeling na mayroon kang “MAKAKAUSAP” na required/ expected mong magrereply kasi meron kayong “something”. Ang mga babae ay likas na madaldal, iba ang definition ng madaldal para sakin. Ako tahimik akong tao, seryoso, hindi masyadong maingay, hindi kikay pero mahilig akong magkwento. Hindi ako yung unang makikipag usap at magtatanong pero kapag naumpisahan ko ng mag-share, masarap magkwento.

Emotional ang babae, aminin man nila o hindi. Kaya nga mahilig magsabi o magkwento ang mga babae kahit simple lang. Depende sa characteristics at identity ng babae pero sa pagkakaalam ko, walang babae na hindi emotional, nag-iiba iba lang yan ng atake dahil sa personalidad pero parehas lang din yan. Kahit yung pinaka matapang o fierce pa na babae ay emosyonal. Minsan nga kahit yung mga walang ka-kwenta kwentang bagay kinukwento pa nating mga babae, masarap magkwento ng ganun lalo na kung sobrang close kayo ng kausap mo. Kahit nga yung tipong may nakasalubong ka lang na cute na pusa habang naglalakad ka o yung tipong may nakita kang cute na ballpen sa national bookstore o kaya yung lalaking nakatabi mo sa jeep na mabaho, Pwede din yung masakit mong singaw pag nagtu-toothbrush ka, ikukwento mo di ba. Aminin mo!

Maraming definition ang pagiging emotional sa babae, hindi lang ito basta iyakin ka lang o ma-drama ka sa buhay. Pwedeng dahil sa attention, pride, anger, care at syempre LOVE. Nagiging emosyonal kasi nga andaming kung anu-anong feelings ang nararamdaman. Matampuhin naman talaga tayo sa partner natin, hindi lang bulgar minsan palihim lang.

Hindi ako eksperto pagdating sa relationships at love, hindi ko din alam baka may iba kayong definition. Basta ang alam ko, habang tumatagal ang relationship, mas ang babae na ang nag-iinvest ng feelings at emotions. Mas madami pang mas nakakaalam sa akin ng tungkol sa relationships, pwedeng mag-agree o disagree kayo. Pero ito ay base lamang sa opinyon ko at isa lang ito sa napakaraming kabanata ng kumplikadong buhay ng taong inlove.

Inlove ka nga bang talaga?

Maraming simptomas (symptoms) ang pagiging IN-LOVE, minsan kahit matagal na nga kayo ng partner mo hindi mo pa din ito nararamdaman, tapos magugulat ka na lang bigla mo na pa lang nagagawa ang mga simptomas na ito, gumawa ako ng maikling listahan:

1.       Pag nag-vibrate at tumunog ang cellphone mo, hindi ka mapakaling tingnan kung siya na ito tapos kikiligin ka ng sobra at ngingiti ka, minsan mas malala kung sisigaw ka pa pag may sweet message siya, tapos manginginig sa kama, magtata-talon, yayakapin ng mahigpit ang unan at parang may epilepsy lang, gagawin mo ito ng palihim na walang tao o kung talagang di mo na  mapigilan kahit may tao ginagawa mo pa din. Kung nararamdaman at ginagawa mo ito, INLOVE KA SA BOYFRIEND MO.

2.       Kung dati-rati thoughtful ka na sa kanya, Ngayon 100x thoughtful ka pa. Dito minsan lumalabas ang pagiging poetic o makata mo eh, bigla ka na lang magko-compose ng sweet message para sa kanya. Minsan sa sobrang daya mo, kukuha ka sa internet ng quote tapos ire-revise mo lang ng onte tapos isesend mo sa kanya kunwari original. Tapos sa sobrang thoughtful mo, minsan magme-message ka lang sa kanya ng “I LOVE YOU SO MUCH.” Wala lang, bigla mo lang naisip na magsend sa kanya. Kung nararamdaman at ginagawa mo ito, INLOVE KA SA BOYFRIEND MO.

3.       Minsan kapag magka-date kayo at kumakain. Bigla mo na lang siyang tititigan. Titingnan mo mula ulo hanggang paa, tapos parang slow motion ang paligid, Kahit na hindi siya talagang ka-gwapuhan parang gwapong gwapo ka sa kanya, cute na cute ka sa kanya, kahit hindi naman talaga siya cute at gwapo. Kinikilig ka sa pagmumukha niya. Para kang pinainom ng gayuma. Mas gusto mo pa siyang kasama kesa sa pamilya mo at mga barkada mo. Para kang mamamatay pag hindi mo man lang siya nakausap at pag may hindi kayo pagkakaunawaan. Kung nararamdaman at ginagawa mo ito, INLOVE KA SA BOYFRIEND MO.

4.       Pag nag-aaway kayo, daig mo pang naka UNLIMITED FOREVER dahil kung makapagtext ka ng saloobin mo ay na-occupy mo lahat ng limited pages for each text message. Sobrang emosyonal mo, feeling mo pasan mo ang daigdig kahit na ang pinag-awayan nyo lang eh hindi siya nakapagreply agad sa text mo dahil nag-basketball lang  siya. Ang dami mong sinasabi sa text, binu-bomba mo siya ng text tapos isang himas lang sayo eh okay ka na agad. Minsan pa nga masyado ka lang talagang assuming at demanding tapos nagagalit ka na agad. Kung nararamdaman at ginagawa mo ito, INLOVE KA SA BOYFRIEND MO.

5.       Ito pinaka-matinding simptomas sa lahat, kahit niloloko ka na at kahit ilang beses mo ng nahuhuli sa facebook, sa cellphone, kahit madaming kaibigan na nagsasabi sayo, kahit masyado ka ng dehado sa pamilya nya, kahit kung anu-anong masasakit na salitang sinasabi sayo at worst kahit verbal at physical abuse ka na. Hindi mo pa din magawang iwan. Kung nararamdaman at ginagawa mo ito, Anak ng teteng! INLOVE NA INLOVE KA SA BOYFRIEND MO.

Madami pang mas matitinding simptomas, yan lang yung unang lima na pumasok sa isip ko. Hindi ko din yan sinabi based sa experience ko pero di ko din ide-deny ang iba, minsan kasi sa mga kwento ng kaibigan kong babae at sa mga observations ko sa relationship ng iba tao.

Hindi ko din sinasabing mas mahalaga ang nararamdaman ng mga babae kesa sa mga lalaki dahil para sa akin, dapat din silang intindihin. Hindi naman sila gaanong mahirap intindihin, tamad na kasi silang mag isip. Sa dami ng dapat at pwedeng isipin ng mga lalaki sa buhay nila, mas gusto nilang wag problemahin ang relationship dahil para sa kanila gusto lang nila ng palaging masaya. Hindi lang mga babae ang mahirap i-spellingin, lalaki din. Paminsan-minsan. Aminin natin, babae ang all-out sa relationship. Ang lalaki chill lang, gusto nila happy lang. Kaya kapag may magbibigay sa kanila ng kahit sobrang liit na dahilan para huwag maging masaya, umaalis sila o naghahanap ng iba. Kaya nga may kantang INSENSITIVE di ba?

Kadalasan hindi na kelangan ng label para sabihin na in-love ka sa kanya, minsan nga kung sino pa yung mga walang label sila pa ang tunay na inlove na inlove. Kahit pa sabihin nilang laro lang lahat at dapat walang mag-invest ng feelings, bandang huli meron talagang masasaktan. Hindi lang bulgar, pero meron naman talaga, ayaw lang talaga nilang umamin.

Madami din namang success stories na kahit first relationship nila ang isa't isa ay nagtatagal din naman hanggang sa dulo. Madaming magagandang istorya ng relationship at wala kong karapatan na ikwento ito dahil lahat naman tayo may sariling kwento ng pag-ibig.

Iba ang definition ng Love mo siya sa In-Love ka sa kanya. Minsan nararamdaman mo na ito tapos bigla din namang nawawala, Ito kasi ang pinakamahirap na i-maintain sa lahat, mahirap i-maintain ang pagiging in-love kasi kapag naramdaman mo ang tunay na definition ng word na “INLOVE” dun mo masasabing naramdaman mo ang “TRUE LOVE”.

Ikaw naloka ka na ba sa pag-ibig? NA-INLOVE KA NA BA?




No comments: