Thursday, May 16, 2013

Ang kwento ng isang tanga

Ano pa bang mas sasakit pa? Taong lumayo para magmahal ng iba? Taong umalis ng walang dahilan? o taong bingyan mo ng buong tiwala na buhatin ka paangat mula sa pagkabagsak dahil sa mga taong naunang lumisan?


Betrayal. Big word. Isa sa pinakamasakit na gagawin ng isang tao. Hindi betrayal kasi nagmahal ng iba kundi betrayal of trust, Tiwala na ibinigay mo para maging karamay mo sa lahat, Tiwala na ibinigay mo na siyang mag aalis ng lungkot sa iyong mata, Tiwala na binigay mo sa lungkot man o ligaya’y siya mong makakasama, Tiwala na ibinigay mo sa paniniwalang iba siya sa karamihan, Tiwala na ibinigay mo na hindi ka sasaktan at paluluhain man lang, Tiwala na ibinigay mo na maging bestfriend mo at taga-kinig sa lahat ng kwento mo, Tiwala na ibinigay mo na tatanggapin lahat ng kapalpakan at imperfections mo, Tiwala na ibinigay mo na iintindihin at rerespetuhin ka bilang tao, Tiwala na ibinigay mo na siyang pinangarap mong makasama mo sa mahabang panahon.

Ano pa bang mas sasakit pa? Iniwasan at Pinilit mong huwag na lang, pero umasa ka pa din na sige na dahil iba siya sa karamihan. Ano pa bang mas sasakit pa? Ang mawala ang taong binulag ka ng mga pangakong hindi naman kayang panindigan at magbitiw ng mga salitang ngayon mo lang napakinggan.

Ano pa bang mas sasakit pa? Ang husgahan ang pagkatao mo sa mga bagay na hindi mo pa ginagawa dahil hindi mo pa tuluyang makita ang halaga para ibigay ang lahat.

Ano pa bang mas sasakit pa? Sa pagsabing isa kang balakid sa mga mithiin sa buhay at pangarap na nais matupad. Ano pa bang mas sasakit pa? Sa pagsasabing binibigyan mo ng bigat ang bawat araw na magkasama kayo dahil sa maliit na bagay na hinihingi mo – PAGMAMAHAL.

Ano pa bang mas sasakit pa? Ang sabihin na hindi ka karapat dapat bigyan ng atensyon at pag-ukulan ng panahon dahil hindi ka parte ng kanilang obligasyon dahil isa ka lamang karelasyon sa ngayon. Ano pa bang mas sasakit pa? Ang hindi pagsama sayo sa hinaharap, na isa ka lang parte ng kasalukuyan.

Ano pa bang mas sasakit pa? Ang pagsalitaan ka ng mga bagay na hindi mo kahit inisip man lang na gagawin. Ano pa bang mas sasakit pa? Sa panunumbat na hindi ka karapat dapat paglaanan ng sentimo sa bulsa na dapat kang magkusang magbigay dahil hindi ka pa naman inaakong responsibilidad sa buhay at isa ka lang kasangkapan.

Hindi natin alam, maaaring nakakulong pa din tayo sa sistemang dapat lalaki ang sumusuporta ng lahat. Maaring isa tayo sa mga taong nagiisip na dapat lalaki ang bumubuhay sa pamilya. Pero ganun naman talaga dapat. Yun ang tama, yun ang dapat.

Babae ang ilaw at Lalaki ang haligi, kaya hindi na yun dapat pagtalunan. Lalaki ang dapat nagiisip ng pagkain na ihahain, matalino ang babae kaya kahit hindi pa ninyo sabihin tutulong yan. Kung hindi na sapat at kaya, tutulong yan. Hindi na dapat isumbat. Kaya may babaeng nagtatrabaho dahil yun ang saysay nila sa mundo, ang suportahan ang pinunong taga-suporta at tumayong mag-isa kung ang pinuno ay hindi na kayang tumaguyod ng pamilya. Ang babae ang hahalili sa kanya.

Ano pa bang mas sasakit pa? Ang ginawan mo ng mabuti, minahal mo ng higit pa sa iyong sarili ngunit iiwan ka din pala bandang huli. Ano pa bang mas sasakit pa? Ang pagbibigay mo ng buong puso at kaluluwa, ang pagbibigay mo ng sarili, ang pagrungis sa dignidad na para sa iyo isa pa ding hiyas na dapat ingatan ng buong buo ngunit ika’y nagtiwala kaya walang alinlangan mong inalay sa kanya.

Ano pa bang mas sasakit pa? Na ang tanging gusto mo lang ay makasama siya sa oras ng lungkot patungkol sa iyong pamilya na isa sa mga taong importante sa buhay mo ngunit pagbibintangan kang hindi mo nakikita ang mga bagay na hanggang dito na lamang.

Ano pa bang mas sasakit pa? Ang isipin na hindi mo tinatanggap ng buong puso ang mga bagay na nagawa na at ginagawa pa. Ang isipin na di ka marunong magpahalaga at nagtatanga-tangahan ka.

Ano pa bang mas sasakit pa? Ang pagsabihan kang mayabang at mapaghangad, kahit nakita nya ang simpleng buhay at pangarap na gusto mo lang. Ano pa bang mas sasakit pa? Sa pagsabihan kang walang pakialam sa buhay mo noon na kaya ka naging ganito ngayon ay dahil sa mga natutunan mo at naranasan mo na mas naging mabuti kang tao dahil sa pangyayari noon na hindi nya makita at iisipin na pagkukumpara yoon.

Ano pa bang mas sasakit pa? Sa pagmamahal mo ng higit pa sa sarili mong reputasyon at pagkatao, sa pagmamahal mo ng higit pa kahit kanino. Ano pa bang mas sasakit pa? Ang pag-iisip at pagsasabing siya ang gusto mong huling taong mamahalin mo, maging kasama mo habang buhay, maging tatay ng anak mo, taga-akay mo sa pagtanda mo ngunit siya ding taong kayang mang-iwan sayo.

Betrayed. Yan ang nararamdaman ng taong umasa. Yan ang salitang sasalamin sa mga pangarap at mundong inikot at binuo kasama siya.

Oras. Panahon. Pagkakataon. Taong paglalaanan mo ng lahat ng buong buo na walang hinihintay na ano mang kapalit o pangkuktya at pambubuska. Taong paglalaanan mo ng pag-aalaga at pagmamahal kahit wala ng matira para sa iba at para na din sa sarili mo.

Noon, akala natin mahal na natin kasi siya ang taong parating andiyan, siya yung taong pwede mong makausap pero ngayon mahal mo siya kasi handa kang masaktan at maubusan ng dignidad para lang sa kanya. Kahit gaano kasakit, tanggap mo dahil nung sinimulan mong alamin sa puso’t isip mo na mahal mo siya, alam mong ilalaban mo yun kahit masaktan ka pa, kahit maiwan ka pa mag-isa.

Ngayon, masasabi mong minahal mo siya ng buo. Nilabanan mo ang takot mo nung umpisa mula sa ilang beses na pagkabagsak noon. Tumayo ka at nagmamahal pa din. Hindi ka napapagod magmahal.

Ano pa bang mas sasakit pa?
Ang magmahal kahit nasasaktan ka na.
Ano pa bang mas sasakit pa?
Ang magtiwala.
Ano pa bang mas sasakit pa?
Ang maging tanga.
Ano pa bang mas sasakit pa?
Ang mahalin ka.



No comments: