Thursday, May 2, 2013

Anong cellphone mo? Wala ka sa brand ng cellphone ko!

Minsan may mga nababasa ko sa mga status sa facebook na nagbibigay sakin ng matinding katanungan. Minsan nga iniisip ko tama bang itanong ko yun sa sarili ko, pero dahil naguguluhan nga ko eh itatanong ko na nga lang. Siguro ilan sa inyo nakabasa na din ng ganitong status o hindi kaya minsan eh kayo mismo nasabi na rin ninyo ito: “Badtrip naman oh! Nabagsak ang iPhone ko!” o hindi kaya “Nasira na ang iPhone ko!”


Kung tutuusin pwede ko ngang i-rephrase yun kasi pwede namang sabihin na “Badtrip naman oh! Nabagsak ang PHONE ko!” o kaya “Nasira na ang PHONE ko!”

Ni minsan wala pa ata kong nabasa na “Badtrip! Nabagsak kong NOKIA ko!” o kaya “Nasira na ang NOKIA ko!” wala pa din akong nabasa na “Badtrip! Nabagsak ang SAMSUNG ko!” pwedeng meron, pero ang sasabihin ng iba ay “Badtrip! Nabagsak ang SAMSUNG GALAXY S3 ko!” prĂ©cised at specific dapat ang model ng phone. Bakit kaya?

Kelan kaya ko makakabasa ng “Badtrip! Naghihingalo na ang CHERRY MOBILE ko” o hindi kaya “Badtrip! Nagloloko na yung MYPHONE ko!” Minsan gusto ko namang makabasa ng ganun, bakit nga ba palaging IPHONE ang sinasabi? Bakit pag ibang brand hindi mo masabing nasira?

Minsan napapaisip tuloy ako, siguro hindi matibay ang iPhone. Kasi lagi na lang siyang nasisira sa status sa facebook. Naguguluhan tuloy ako. Ang mahal mahal kaya ng iPhone, sirain pala siya. Hayyy.. :(

Naaawa tuloy ako sa NOKIA, dati-rati nagkukumahog pa ang mga tao sa pagbili nun. Ang sarap ng buhay ng mga kaklase kong binbigyan ng luho ng magulang kasi tiyak may bago silang cellphone. Ako kasi kelangan kong mag-aral ng mabuti para mabigyan ng reward pero hindi pa din ako mabigyan ng cellphone, mas priority kasi nila ang tuition fee ko noon.

Nung grade six ako, sikat ka na kapag naka Nokia 5110 ka, sa classroom namin siguro 5 yung nakaganun, nagaantayan pa kaming hiramin yun para makalaro lang ng “snake” o “memory”. Pataasan pa kami ng score! Tapos lumabas yung 3210 at 3310, naaalala ko yung sister ko binilhan ng 3310 nung highschool siya, kaya parati ko yun hinihiram para madala ko sa school, tuwang tuwa pa kaming bilhan ng makukulay na casing yun, tapos pupunta sa cellphone repair shop para palagyan ng backlight na kulay white o blue. Tapos bibili din kami ng cute na teddy bear na maliit na may bell (kuliling) para isabit dun. Ang saya saya!

Tapos biglang naglabasan na yung colored na phone ng Nokia, tulad ng 8250 at iba pa. Naalala ko may lumabas pang manananggal na Nokia eh, yung may kulay orange na may rubber na nahihiwalay... Pag nakakakita ko nun, wow! Ang astig! Tapos hihiramin ulit namin para naman makapaglaro ng “bounce” (wala sa 8250 yun, ibang model, nakalimutan ko lang.)

After a year, lumabas na yung may camera na phone sa Nokia at nauso na ang Sony Ericsson, uso na kasi nun yung may magandang music ang phone na gagawing parang radyo eh kaya kelangan mong bumili ng memory card kahit 128mb lang, makakapagsave ka na kahit 10 songs dun! Naalala ko binilhan yung kapatid ko ng 3650, yun yung pabilog yung keypad saka malaki. Hinihiram ko din yun para dalhin ko sa school! Ehem! Ako pa lang ang may ganun sa classroom ko nun. Tuwang tuwa na silang magpicture sa VGA camera nun. Pinapansin na tuloy ako ng crush ko dahil dun dati hindi naman, Thanks to Nokia 3650, pinansin ako ng crush ko na sinulat ko sa slambook! “Who is your crush?”

Dahil sa mga camera phone, magbi-bidyo pa kahit 10 seconds lang. Kaya nga nauso ang mga scandal na maiiksi noon, tapos pag nakarinig ka ng “Pre, pabukas naman ng infrared mo o kaya ng Bluetooth mo, send mo sakin yang bago!” akala ko dati kung anong pinagkukumpulan nila sa sulok, yun pala may bago palang scandal. Hanggang sa lahat na ata ng Colleges at Universities merong scandal, parang labanan lang ng NCAA at UAAP! pabilisan magbukas ng blouse!

Tapos nung nagcollege ako, ayan na andami ng kung anu anong phone! Naaalala ko ang unang unang cellphone na nagkaroon ako na talagang matatawag kong “My very own…”, Samsung yun na nafi-flip. Dual camera yun eh, may flash, tapos ang cute! Yun yung nakikita sa mga “Asianovela” na cellphone dati. Binili yun ng tatay ko sakin, kung hindi ba naman ako nag-hunger strike ng lunch eh hindi pa ko bibilhan.

After nun, hindi ko na mabilang ang model ng phones na nagkaroon ako. Iba-iba na, papalit palit. Hanggang dumating sa point na nakakasawa pala lalo na ngayon na ako na ang kumikita ng sarili kong pera at sarili kong pera ang ipambibili ko ng gamit na gusto ko.

Pero wala eh, nakakamangha pa din talaga ang bilis ng teknolohiya ngayon, minsan talaga nakakaakit talaga ang cellphone. Eh kung hindi ba naman ako naakit eh magkakaron bago ng sandamakmak na cellphone units sa buhay ko. Siguro ganun din kayo noh? Ako, aminado ako.

Kawawa naman ang NOKIA, dati-rati sikat na sikat siya. Pinagkakaguluhan. Iniiyakan. Madami siyang fans. Fashionista siya. Pero wala eh, minsan talaga mawawala ang kinang ng kanilang bituin at malalaos din tulad ng mga artista sa pelikula at TV. Nagka-NOKIA ka din naman di ba? Bakit ayaw mong sabihin sa status mo na nasira siya? Pinaligaya ka din naman minsan sa buhay mo nun di ba?

Gaano nga ba kahalaga ang brand ng cellphone ngayon? Bumibili din ako ng mahal na phone kasi nga nakakaakit eh! Blackberry at iPhone user din ako hanggang ngayon, minsan nga pini-picturan ko lang yung mga gadgets ko at ipopost ko din sa Facebook at Instagram, wala lang. Ang sarap lang ng feeling na nakakapagpundar ako ng ganung mga bagay, ako kasi mismo ang bumili, Nakaka-proud. Tapos minsan ang cute lang ng theme ko o kaya ang ganda ng wallpaper ko. Kaya pinu-post ko, ang yabang ko minsan noh! Oo, guilty din ako paminsan minsan.

Pero gaano nga ba talaga kahalaga ang branding ng phone ngayon? Kung dati rati bumibili lang ako ng phone kasi yun ang uso at sikat, ngayon masusi kong tinitingnan kung makakatulong ba siya sa pang araw araw ko at maganda ang specs nito, kung maliligayahan ba ko dito sa pagpipicture, pagtetext, pagtawag, pag-browse sa internet lalo na sa social media sites at syempre kung makakapaglaro ako ng candy crush. Inaabot nga ko minsan ng 3 araw kakabasa ng reviews at kakanood ng youtube demos ng phone bago ako bumili. Ayoko kasing masayang ang pera na pagbibilihan ko nito eh, sadyang maganda talaga ang iPhone, may mga flaws pa din pero okay na.

Napakinggan ko pa sa radyo kahapon habang nagmamaneho ako pauwi ng bahay, headline: “Mga bata, nahuhumaling sa tablet at iPad?!” Napapaisip tuloy ako, magkakaroon pa kaya tayo ng next PBA superstar? o kaya next superstar athlete? Hindi na ata alam ng mga bata pano maglaro ng patintero at taguan ngayon, wala silang physical games puro online games, samantalang ako nung bata ako, eh halos igapos na ko ng nanay ko sa labas ng bahay dahil enjoy na enjoy akong makipaglaro sa mga kapitbahay ko. Ibang iba na  talaga ang mga bata ngayon. I’m glad na part ako ng mga batang nakapaglaro pa sa labas, ngayon kasi nakakarinig na lang ako ng boses ng bata para sabihin na “hoyyyyyyyyy! Tara na dota na tayo!” Sa susunod ikukwento ko ang childhood ko.

Ikaw anong brand ng cellphone mo? Anong unit nyan?

Walang masama kung maganda ang phone mo at kaya mo namang i-afford, pero minsan isipin nating i-appreciate ang mga lumang bagay na nagpasaya din naman sa atin noon, wala sa brand ng cellphone yan, kasi kahit gaano pa kamahal ang cellphone na binili mo ngayon, bukas makalawa eh, bababa din ang value nyan at kahit ibenta mo pa sa greenhills ang 35k na bili mo diyan eh magiging 5k na lang. Pana-panahon lang yan, kung dati si NOKIA ang sikat, ngayon si iPHONE naman. After 5 years, sisikat na kaya si MYPHONE o CHERRY MOBILE? Masasabi mo din ba balang araw with pride and conviction na "Badtrip! Nasira ang Cherry Mobile ko!"

Hintayin na lang natin.

PS: (Kanya kanyang opinyon lang, tinatanong ko kung bakit kelangan specific ang brand sa status. Baka may dahilan po kayo, paliwanagan nyo po ako. Salamat!)






1 comment:

Anonymous said...

anong pinaglalaban mong lokaret ka, na may iphone o blackberry ka??? pwes walang may pake!